Cabral, aabot sa P20 billion ang ill-gotten wealth —SILG Remulla

P20 billion, ito raw ang maaaring kabuuang halaga ng nakurakot ng yumaong dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral muls sa mga maanomalyang flood control projects, ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla.

Binase umano ito ni Remulla sa pagiging undersecretary for planning ng Department of Public Works and Highways sa loob ng halos isang dekada.

Bilang undersecretary for planning, si Cabral umano ang nag-aapprove ng lahat ng proyekto ng National Expenditure Program ng gobyerno.

Naniniwalang nag-suicide si Cabral matapos mahulog sa isang bangin sa gilid ng Kennon Road sa Tuba, Benguet noong December 18, ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police.

Nagtamo ng malalang mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si Cabral.

Isang patalim at iba’t ibang gamot, kabilang ang isang anti-depressant, ang natagpuan sa isang hotel kung saan siya nanuluyan bago ang insidente.

Maaari namang isailalim sa isang polygraph test ang driver ni Cabral na si Ricardio Hernandez upang malaman kung ito’y nagsasabi ng totoo sa kanyang mga sinumpaang salaysay.

Samantala, nais ni Akbayan Party-list Representative Chel Diokno na gumawa ng sariling imbestigasyon ang Kamara hinggil sa pagkamatay ni Cabral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *