CAAP, pinalawig ang babala sa mga flight malapit sa Bulkang Mayon

Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) sa mga biyaheng panghimpapawid na daraan malapit sa Bulkang Mayon.

Epektibo ang NOTAM simula alas-7:37 ng umaga nitong Lunes, December 15 hanggang bukas ng alas-9 ng umaga.

Sakop nito ang mga flights na may vertical limits mula sa surface hanggang 11,000 feet.

Matatandaang naglabas ng dark lava spines ang bulkan noong nakaraang linggo na posibleng pagkakaroon ng mababaw na magma.

Sa ngayon, nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *