Itinalaga ng Netflix si Lovely Runner star Byeon Woo-seok bilang bida sa live-action adaptation ng hit web novel na Solo Leveling.
Ang Solo Leveling, na isinulat ni Chugong noong 2016 at inilathala sa KakaoPage noong 2018, ay sumikat sa buong mundo sa pamamagitan ng webtoons, anime, at video games umabot ito sa 14.3 bilyong views globally.
Ang kwento ay umiikot kay Sung Jin-woo, isang low-tier hunter na nagkaroon ng pambihirang kapangyarihan matapos ang halos ikamatay na misyon. Habang siya’y “nagle-level up,” siya ang naging pag-asa ng sangkatauhan laban sa mga halimaw mula sa mahiwagang “Gates.”
Gagampanan ni Woo-seok ang role ni Jin-woo—dagdag sa kanyang mga sikat na role sa Record of Youth at Strong Girl Nam-soon.
Ang direksyon ay pangungunahan nina Lee Hae-jun at Kim Byung-seo (Ashfall, My Dictator, Cold Eyes), habang ang Netflix, Kakao Entertainment, at SANAI PICTURES ang nagsanib-puwersa para sa produksyon.
Ang anime adaptation ng Solo Leveling ang kauna-unahang Korean animation na namayagpag sa Crunchyroll Anime Awards, kinilala bilang Anime of the Year. | via Lorencris Siarez | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV