Bumalik ang Blackpink na mas matalim, mas malakas, at mas nagkakaisa kaysa dati

Matagumpay ang pagbabalik ng BLACKPINK! Umabot sa 78,000 fans ang dumagsa sa Goyang Sports Complex para sa “Deadline” concert ang kanilang official reunion show mula noong 2022.

Pinatunayan nina Jennie, Jisoo, Rosé, at Lisa kung bakit sila pa rin ang reyna ng K-pop. Sa loob ng mahigit dalawang oras, kinanta nila ang 27 hit songs, kasama ang Kill This Love, Pink Venom, Shut Down, at marami pa. Ibinida rin ng bawat miyembro ang kani-kanilang solo performances mula sa eleganteng “Earthquake” ni Jisoo, fierce “Rockstar” ni Lisa, hype “Mantra” ni Jennie, hanggang sa emotional “APT.” ni Rosé.

Tampok din ang world premiere ng bago nilang group song na “Jump” ang unang full-group release nila mula sa Born Pink. Sabi ni Jisoo, “Super addictive ‘tong kantang ‘to!”

Ngunit may konting isyu nagreklamo ang ilang fans sa section N3 dahil sa obstructed view ng stage na hindi raw inilahad nang bumili sila ng tickets.

31 shows sa 16 cities worldwide ang susunod nilang pupuntahan kabilang ang Los Angeles, Paris, London, at Bulacan! | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *