Ipinahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumuti ang kalagayan ng labor market ng bansa nitong Mayo. Ang unemployment rate ay bumaba sa 3.9%, mas mababa kumpara sa 4.1% noong nakaraang buwan at taon. Katumbas ito ng 2.03 milyong Pilipinong walang trabaho, na mas kaunti kaysa sa 2.11 milyon noong Mayo 2024.
Sa kabilang banda, bumaba rin ang underemployment rate sa 13.1% mula sa 14.6% noong Abril, pero mas mataas pa rin ito kaysa sa 9.9% noong nakaraang taon. Nasa 6.60 milyon ang underemployed o mga manggagawang naghahanap ng dagdag na oras o trabaho.
Ang employment rate ay tumaas sa 96.1%, katumbas ng 50.29 milyong may trabaho. Pati ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ay lumago sa 65.8%, na mas mataas sa mga naitalang 63.7% noong Abril at 64.8% noong Mayo 2024. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV