Bumaba ng 11 sentimos ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Hunyo

Magaan sa bulsa ngayong Hunyo! Ipinahayag ng Meralco na may bawas-singil na naman sa kuryente — halos ₱0.11 kada kilowatt hour (kWh), ikalawang sunod na buwan ng pagbaba.

Mula ₱12.2628 noong Mayo, ngayon ay ₱12.1552 na lang per kWh ang singil. Ayon kay Joe Zaldarriaga ng Meralco, ito ay dahil sa mas mababang generation charge mula sa mga power suppliers at spot market.

₱22 bawas sa bill! Para sa tipikal na bahay na kumukonsumo ng 200 kWh, aasahang bababa ang bayarin ng ₱22 ngayong buwan.

Kahit tumaas ng kaunti ang transmission charge ng ₱0.0214 dahil sa mas mahal na ancillary services mula sa NGCP, nanatiling pareho ang distribution charge mula pa noong Agosto 2022.

Noong Mayo, bumaba rin ang singil ng ₱0.75 kada kWh, kaya tuloy-tuloy ang ginhawa sa kuryente!
Sakop ng Meralco ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at piling bahagi ng Pampanga, Laguna, Batangas at Quezon.

Kahit tumaas ang average transmission rate ng NGCP ng 4.6%, bumaba naman ang ibang singil gaya ng wheeling rates. | via Allan Ortega | Photo via Wikipedia

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *