Bulkang Kanlaon, Nasa Alert Level 3 pa rin

Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon, ayon sa PHIVOLCS. Sa ulat noong Hunyo 13, nakapagtala ng 9 volcanic earthquakes na indikasyon ng patuloy na aktibidad sa ilalim ng bulkan.

Umakyat sa 1,564 tonelada kada araw ang sulfur dioxide emission nitong Hunyo 12. Umabot din sa 1,200 metro ang taas ng ibinugang usok na tinangay sa hilagang-silangan. Bukod dito, may pamamaga sa paligid ng bulkan โ€” senyales ng pressure build-up.

Mariing paalala ng PHIVOLCS: bawal pa rin ang paglapit sa 4-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ). | Photo via Wikipedia

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *