Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng pagbuga ng sobrang init na gas mula sa bunganga ng Bulkang Kanlaon isang posibleng senyales ng papalapit na pagsabog.
Ayon kay resident volcanologist Mari Andylene Quintia, narekord ng thermal cameras ang naturang pagbuga bandang alas-6:41 hanggang alas-7:13 ng gabi nitong Miyerkules, January 28, dahil hindi ito nakikita ng mata, lalo na sa gabi.
Posible ring may ganitong pagbuga sa araw pero hindi lang nakikita.
Babala ni Quintia, ang superheated gas ay maaaring paunang palatandaan ng explosive eruption, gaya ng nangyari bago ang mga pagsabog ng Kanlaon noong Disyembre 2024 at Mayo at Oktubre 2025.
Ipinapahiwatig din nito na umaakyat na ang magma at papalapit sa bunganga. Dagdag pa, may naitalang earthquake swarms sa bulkan nitong Enero.
Dahil dito, mariing paalala ng PHIVOLCS na mahigpit na ipatupad ang 4-kilometrong permanent danger zone para sa kaligtasan ng publiko. | via Allan Ortega
