Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Lunes, November 24.
Ayon sa PHIVOLCS, nagsimula ang ash emission 5:54 a.m. at nagtapos 6:00 a.m., na lumikha ng 75 metrong kulay-abo na usok bago tangaying pa-timog-kanluran.
Naglabas din ang ahensya ng time-lapse video ng naturang pagbuga.
Nanatiling nasa Alert Level 2 ang bulkan, senyales ng increased unrest.
Noong Linggo, naitala ang 26 volcanic earthquakes, at umabot sa 2,427 tonelada ang sulfur dioxide emissions.
Noong Sabado naman, may mahihinang usok na umaabot sa 100 metro ang taas.
Muling nagpaalala ang PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometrong permanent danger zone at ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan.
Kabilang sa mga panganib ang biglaang phreatic eruptions at indikasyon ng posibleng magmatic activity. | via Allan Ortega
