Naglabas ang PHIVOLCS ng time-lapse na kuha ng pagbuga ng abo sa bunganga ng Bulkang Kanlaon mula 12:37 pm hanggang 12:57 pm ngayong october 30, 2025.
Makikita sa video ang usok na umangat ng humigit-kumulang 300 meters mula sa bunganga bago ito inanod ng hangin papuntang kanlurang direksyon.
Ayon sa Kanlaon Volcano Observatory – Canlaon City (KVO-CC), naitala ito gamit ang kanilang IP camera.
Nananatiling nakataas ang alert level 2 sa Bulkang Kanlaon, na nangangahulugan ng pagtaas ng posibilidad ng biglaang pagputok at limitadong pag-access sa paligid ng bulkan.
