Bulkang Kanlaon, dalawang beses nagbuga ng abo

Dalawang beses nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Naitala ang unang pagputok bandang alas-5:30 ng umaga hanggang alas-7:29 ng umaga at sinundan ng isa pa bandang alas-7:39 ng umaga hanggang alas-8:05 ng umaga.

Umabot ang pagbuga ng abo sa 600 metro ang taas.


Nananatiling nasa Alert Level 2 ang bulkan, ibig sabihin ay may katamtamang antas ng pag-aalburoto.


Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, inaasahan na talaga ang pagbuga ng abo habang nasa antas na ito dahil sa patuloy na paglabas ng volcanic gas at pressure.


Ang ganitong degassing ang nagdadala ng mga pinong abo mula sa bunganga ng bulkan. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *