Pinarangalan ng Environmental Management Bureau Northern Mindanao ang Bukidnon bilang pinakamasunurin sa batas kaugnay ng solid waste management sa buong rehiyon.


Sa kabila nito ayon kay EMB-10 Director Reynaldo Digamo Jr., isa lang ang LGU sa Bukidnon na wala pang sariling sanitary landfill, malaking bentahe kumpara sa ibang probinsya.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Councilor Eric Salcedo ang pagtatatag ng Solid Waste Management Department upang mas mapalakas ang kakayahan ng lungsod sa pamamahala ng basura.
Dagdag ni Salcedo, kung kulang ang barangay sa lupa o kagamitan, tungkulin ng city government na manguna. Sa ganitong paraan, maaring maging modelo ang Bukidnon sa epektibong pagpapatupad ng RA 9003. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via Sangguniang Kabataan, Barangay Cebole/FB
#D8TVNews #D8TV