Mga makabagong technology ang gagamitin ng Department of Science and Technology (DOST) para buhayin muli ang industriya ng asin sa Misamis Oriental, ayon kay DOST-10 Assistant Director Virgilio Fuerte.
Ibinahagi ito ni Fuerte kahapon sa forum ng “Kapihan sa Bagon Pilipinas”.
Ayon pa sa kanya nakipagtulungan ang ahensya sa Industrial Technology Development Institute (ITDI) para i-modernize ang tradisyunal na paggawa ng asin sa probinsya. Sa inisyatibong ito maaari na ang produksyon ng asin sa probinsya kahit na abutan pa ng panahon ng tag-ulan.
Sabi naman ni DOST-10 Director Romela Ratilla, ang industriya ng asin ay umaayon sa four-pillar framework na nakatuon sa paglikha ng yaman, proteksyon, sustainability, at kalingang pang-tao. Pinaplano din ng DOST na magkaroon ng training sa bagong pamamaraan na kanilang sinusulong sa susunod na buwan sa Alubijid. | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV