BTS, balik-eksena matapos ang 3 taon—may album at world tour sa 2026

Matapos ang tatlong taong paghihintay, balik na ang global superstars na BTS—at hindi sila nagbabalik para lang magpakitang-gilas. Sa isang live broadcast sa Weverse, kumpleto ang pitong miyembro (RM, Jin, SUGA, j-hope, Jimin, V, at Jungkook) nang ianunsyo nila ang inaabangang comeback at world tour sa Spring 2026 (mula Marso hanggang Mayo).

Ayon kay RM, magsisimula na silang magsama-sama muli ngayong Hulyo para pagtuunan ng pansin ang paggawa ng musika. Ipapalabas ang full-group album sa Spring 2026—hindi na kailangang maghintay ng tag-init!

Dagdag pa niya, “Magsasagawa rin kami ng world tour—makikita namin kayo sa iba’t ibang panig ng mundo!” Wala pa ang kumpletong listahan ng tour stops pero ipopost nila ito sa Weverse at social media.
Kung maalala, noong 2022, pansamantalang nagpahinga ang BTS dahil sa kanilang mandatory military service sa South Korea, na labis na ikinalungkot ng fans sa buong mundo.

Pero heto na sila—handang bumalik at magpasaya muli. Kaya mga ARMY, handa na ba kayo? | via Allan Ortega | Photo via Instagram/bts.bighitofficial

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *