Patuloy na nakikipagpatintero ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard o PCG sa apat na barko ng Chinese Coast Guard sa karagatan malapit sa Zambales.
Kahit mas maliit, matagumpay na napanatili ng BRP Cabra ang 85 to nautical miles na distansya sa pagitan ng mga barkong Tsino at ng hangganan ng Philippine EEZ.
Ayon sa PCG, iligal ang presensya ng mga barkong Tsino at lumalabag sa Philippine Maritime Zones Act, UNCLOS, at 2016 Arbitral Award na bumasura sa pag-angkin ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.
Nanindigan ang PCG na ipagtatanggol nito ang soberanya at maritime jurisdiction ng bansa. Ipinapakita ng BRP Cabra ang dedikasyon ng Pilipinas sa pagsunod sa international law at paghanap sa mapayapa na rules-based solution.
