Brice Hernandez at 2 iba pa, sinibak sa serbisyo

Tuluyan nang sinibak sa pwesto ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon si dating Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez kasunod ng umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa maanomalyang flood control projects.

Matatandaang noong nakaraang linggo nang ibinunyag ni Hernandez na nakikinabang umano sa kickback mula sa mga proyekto ng DPWH sa Bulacan sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Joel Villanueva na agad naman itong itinanggi ng dalawa.

Kasama niyang natanggal sa serbisyo ang dalawa pang opisyal ng ahensya na sina Construction Section Chief Jaypee Mendoza, at accountant na si Juanito Mendoza.

Una na ring tinanggal sa serbisyo si District Engineer Henry Alcantara.

Sila rin ang mga tinukoy ni Senator Ping Lacson na ‘BGC’ Boys o ‘Bulacan Group of Contractors’ na gumagamit ng pekeng lisensya at pangalan para makapasok sa mga casino kung saan umabot umano sa milyon-milyon ang kanilang naipatalo.

Pinatawan ang mga nasabing opisyal ng ng perpetual disqualification na nagbabawal sa kanilang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan. | via Alegria Galimba, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *