Brazil naglunsad ng libreng e-Visa para sa COP30 delegates

Inanunsyo ng Brazil ang paglulunsad ng special electronic visa o e-visa para sa mga internasyonal na kalahok sa 30th United Nations Climate Change Conference (COP30) na gaganapin sa Belem mula Nobyembre 6–21, 2025.


Opisyal na inilabas ang patakaran sa visa noong Hulyo 14, ayon sa ulat ng Kazinform at TV BRICS.
Libre ang e-visa at pinapayagan ang maramihang pagpasok sa Brazil hanggang katapusan ng taon. May maximum stay na 90 araw at hindi pwedeng i-extend.


Maaaring mag-apply ang mga mamamayan ng mga bansang kalahok sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at mga stateless na indibidwal basta’t opisyal silang accredited sa COP30.


Ang aplikasyon ay isusumite lamang sa online platform ng Ministry of Foreign Affairs ng Brazil.
Inaasahang darating ang mahigit 40,000 kalahok, kabilang ang 7,000 mula sa UN at mga delegasyon ng iba’t ibang bansa.


Para ma-accommodate ito, magdaragdag ang Brazil ng 23% domestic flights at 44% international flights sa panahon ng conference.


Layunin ng inisyatiba na gawing mas madali at episyente ang pagdalo ng mga delegado. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *