Muling kinilala ang Pilipinas matapos mapasama ang White Beach ng Boracay sa Top 6 ng Best of the Best Beaches in Asia ng Tripadvisor para sa 2026.
Ang Travelers’ Choice Best of the Best ay iginagawad sa mga destinasyong nakatatanggap ng mataas na bilang ng magagandang review at ratings sa loob ng 12 buwan.
Kinilala ang White Beach dahil sa pinong puting buhangin nito, angking turquoise waters, at kahanga-hangang sunsets.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco, mahalaga ang pagkilalang ito hindi lamang para sa turismo kundi para sa libo-libong Pilipinong umaasa sa industriya, para sa kanilang kabuhayan.
Umaabot sa halos apat na kilometro ang haba ng White Beach at nahahati sa Stations 1, 2, at 3. Nanatili itong sentro ng turismo sa Boracay at patuloy na umaakit ng mga lokal at dayuhang bisita. | via Joana Luna, D8TV News
