Bong Revilla, naghain ng counter affidavit kaugnay ng alegasyon sa flood control project

Personal na naghain ng kontra-salaysay si dating Senador Bong Revilla sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkakasangkot umano ng senador sa mga ghost flood control project sa Bulacan.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita, ang inihaing kaso ay paglabag umano ni Revilla sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nagsumite ang kampo ni Revilla ng mga ebidensyang magpapatunay raw na puro kasinungalingan ang mga alegasyon laban sa kanya.

Umaasa ang dating senador na magiging patas ang DOJ at hindi na hahayaang umusad pa ang reklamo hanggang korte.

Nauna nang sinabi ng DOJ Prosecution Service na kabilang si Revilla at dating Ako Bicol Representative Zaldy Co sa mga respondent matapos silang madawit sa flood control projects sa Bulacan, kasama ang kumpanyang SYMS Construction.

Todo-tanggi si Revilla sa anumang pagkakasangkot sa mga maanomalyang proyekto at sinabing pinupuntirya lang siya para pagtakpan ang tunay na isyu. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *