Bojie Dy: Magbabago ang Kapulungang ito

Opisyal nang nanungkulan si Faustino “Bojie” Dy III ng Isabela bilang ika-29 Speaker ng House of Representatives matapos makakuha ng 253 boto, walang tumutol, at may 28 abstentions mula sa minority bloc.

Bilang bagong pinuno, tiniyak ni Dy na ang pangunahing layunin niya ay ibalik ang tiwala ng 115 milyong Pilipino sa Kamara, sa gitna ng mga alegasyon ng korapsyon sa flood control projects.

Giit niya: “Hindi ko ipagtatanggol ang nagkasala, at walang kakampi o opisina ang ligtas sa pananagutan.” Nangako rin siyang magiging transparent, accountable, at handang makinig sa hinaing ng publiko.

Kabilang sa prayoridad niya ang budget reforms, transparency, at pagtutulungan sa Independent Commission for Infrastructure upang labanan ang katiwalian.

Pinasalamatan naman ni Dy ang dating Speaker Martin Romualdez para sa maayos na transition. Wala ring ibang nominado para sa puwesto. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via Bojie Dy/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *