Bohol: Higit 1,000 estudyante, tumanggap ng sahod sa ilalim ng SPES

Mahigit 1,000 estudyante na ang nakatanggap ng kanilang sahod para sa 22 araw na serbisyo sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Bohol Provincial Government ngayong taon.

Noong Setyembre 16, tumanggap ng ₱13,530 bawat isa ang 877 benepisyaryo mula sa ikalawang batch ng programa. 60% ng sahod o ₱8,118 ay mula sa Bohol Provincial Government, habang 40% o ₱5,412 naman ay mula sa DOLE. Ang unang batch ay nabayaran na noong Setyembre 2.

Layunin ng SPES na tulungan ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na estudyante sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng short-term employment tuwing bakasyon, habang binibigyan din sila ng early work exposure.

Ayon kay PESO Manager Maria Vilma Yorong, may nakalaang ₱10 milyon sa taunang budget para rito. Para sa mga estudyante tulad ni Gabrielle Marrione Brunidor ng BISU, malaking tulong ito sa pang-araw-araw na gastusin at sa pagkatuto ng skills para sa hinaharap.

Giit ni Gov. Erico Aristotle Aumentado, higit pa sa kita, mahalaga ang work experience at values na nakukuha ng kabataan sa programang ito. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via Provincial Government of Bohol

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *