Body shaming naman?

Nag-isyu ang Commission on Elections (Comelec) ng isa na namang show cause order (SCO) laban kay lawyer Christian “Ian” Sia, na tumatakbo bilang kinatawan ng Pasig City, dahil sa pagba-body shaming nito sa kanyang babaeng staff sa harap ng maraming tao sa kanyang pangangampanya. “Kahit po ang mga staff ko po, tipikal po, puro lalaki… isa lang po ang kasama kong babae, si Jaja. Jaja ano ba ang hitsura mo nung nakaraang labinlimang taon. Payat? Ah hindi, nung nakuha ka na ni Eweng. Mataba ka na. Nung magkasama pa lang tayo. Ito na ang katawan ni Jaja. Ang point ko ho, iyan po ba ang magiging staff ng manyak? Di ho. “
Matatandaang naka-strike 1 na sa Comelec si Sia matapos nyang sabihang matulog kasama nya ang mga “single mom” noong nakaraan. Ikinagalit na ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Commission on Human Rights (CHR).

Nagpaalala naman si Comelec Chairperson George Garcia sa lahat ng kandidato sa Eleksyon 2025 na maging magalang sa kampanya. Sinabi niyang ang mga biro na maaaring magpatawa sa iba ay hindi dapat maging sanhi ng pagyurak sa pagkatao ng iba. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *