Body-Cam para sa mga Traffic enforcer ipinatupad na ng MMDA

May bagong gamit ang MMDA laban sa mga pasaway sa kalsada, ang body-worn cameras para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Kung ‘di nagkakasundo ang traffic enforcer at motorista. Ngayon, wala nang palusot dahil lahat ng operasyon, documented na.

Sa pangunguna ng bagong Swift Traffic Action Group o STAG, bawat enforcer ay may suot na body cam na direktang nakakonekta sa MMDA Command Center. Kapag may paglabag, malinaw ang ebidensya, notice of violation agad!

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na ito’y hakbang para sa mas ligtas, disiplinado, at tapat na sistema ng trapiko. May suporta rin ito mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naniniwalang NCAP ay isa sa mga susi laban sa katiwalian.

Batay sa datos, mahigit 65,000 paglabag ang nahuli ng NCAP hanggang ngayong Setyembre. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via MMDA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *