BOC, PDEA nakasabat ng P2.56B droga at sigarilyo

Umabot sa P1.8 billion ang halaga ng smuggled cigarettes at manufacturing materials at P760 million ng illegal drugs ang nakumpiska ng Bureau of Customs hanggang March 2, 2026.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, mas pinaigting ng BOC ang intelligence-led at inter-agency operations sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagresulta sa daan-daang matagumpay na seizure sa mga pantalan sa buong bansa.

Noong 2025, iniulat ng BOC na nagsagawa ito ng 1,024 interdiction operations, kabilang ang 143 drug seizures na nagkakahalaga ng ₱5.63 bilyon at 317 cigarette-related seizures na aabot sa ₱1.8 bilyon.

Ipinahayag ni Nepomuceno na ang mga resulta ay bunga ng mas matibay na pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya gaya ng PDEA, PNP, NBI, AFP, at DILG. Kabilang dito ang bagong Memorandum of Agreement sa pagitan ng BOC at PDEA noong Pebrero 26, 2026, para sa integrated databases at real-time information sharing sa mga pantalan.

Isa sa mga pinakamalaking operasyon ngayong taon ay ang pagkakumpiska ng ₱634.858 milyon na halaga ng smuggled cigarettes sa Western Mindanao at Zamboanga City, ang pinakamalaking single-day cigarette crackdown mula noong 2025.

Samantala, noong Pebrero 9, na-intercept ng BOC at PDEA sa Manila International Container Port ang isang shipment na naglalaman ng tinatayang ₱272 milyon na shabu na idineklara bilang “marble,” ang pinakamalaking drug haul ng BOC ngayong taon.

Ayon sa BOC, ang mga operasyon na ito ay bahagi ng pangmatagalang layunin ni Pangulong Marcos na protektahan ang lawful trade at matiyak ang patas na merkado sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *