Umabot sa higit ₱102 milyon ang nalikom ng Bureau of Customs mula sa auction ng luxury vehicles na konektado sa kaso ng mga Discaya.
Ayon sa BOC, sa auction noong Feb. 25, tatlo sa pitong Discaya-linked vehicles ang naibenta, kabilang dito ang 2024 Lincoln Navigator– ₱6.950 milyon sa Cantinetta Espresso Concepts;
2022 Cadillac Escalade ESV– ₱6.623 milyon sa Igorot Stone Kingdom Inc. at Bentley Bentayga– ₱12.178 milyon sa TDY Consumer Goods Trading.
Ang kabuuang kita mula sa auction, kasama ang registration fees, ay umabot sa ₱25.771 milyon, na nagdala sa kabuuang ₱102.468 milyon.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ang pondo ay ibabalik sa Bureau of the Treasury para suportahan ang mga programa ng pamahalaan. | via Joana Luna, D8TV News
