BOC, ininspeksyon ang milyong halagang droga na nasabat sa MICP

Nagsagawa ang Bureau of Customs (BOC) ng inspeksyon sa ukol sa naiulat na shipment na naglalaman ng droga sa Manila International Container Port (MICP) nitong Huwebes, July 17.


Matapos makatanggap ng report patungkol sa isang balikbayan box na naglalaman umano ng droga, agad na nagbaba ng Alert Order ang BOC na kung saan nasabat ng ahensya ang apat na kahong may laman na hinihinalang shabu.


Umabot sa 110.24 kg ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang laman ng kahon na may tinatayang halaga na ₱749.63 milyon.


Agad na ipinadala ang samples ng kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakumpirma na shabu talaga ang nasabat ng ahensya.


Sa kasalukuyan, itu-turn over sa PDEA ang lahat droga para sa patuloy na imbestigasyon kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at ang R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.


Kaugnay ng insidente, binigyang diin ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang kanilang mas pinatibay na kampanya kontra pag-smuggle sa mga droga.


“We will not allow criminal elements to exploit balikbayan privileges and tarnish the trust of our overseas Filipinos. This seizure underscores our commitment to protecting the country and its people,” saad niya. | via Florence Alfonso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *