Isinusulong ni Sen. Bam Aquino ang “Blockchain the Budget Bill” o Senate Bill No. 1330, na layong gawing mas transparent at mas bantay-sarado ang paggastos ng gobyerno.
Ayon sa senador, layon nito na mabantayan ang bawat piso ng taumbayan.
Bilang chairman ng Senate Committee on Science and Technology, pinangunahan ni Aquino ang talakayan sa mga tech experts, at iba pang stakeholders kung paano gagamitin ang blockchain technology, Ito ‘y upang masundan, mula sentimo hanggang bilyon, ang pera ng bayan.
Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng digital system kung saan real-time makikita ng mga Pinoy kung saan napupunta ang buwis nila.
Samantala, sa kaniyang Facebook post sinabi niya na kung seryoso tayo laban sa korapsyon, ipakita sa taumbayan kung saan napupunta ang pera nila.
Giit pa niya, hindi lamang ito patungkol sa teknolohiya kundi maging sa tiwala. | via Ghazi Sarip
