Black box ng bumagsak na FA-50 Jet, na-recover na

Na-recover na ang “black box” ng bumagsak na FA-50PH jet fighter na may tail number 002, ayon sa Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, dadalhin ito sa mga eksperto para ma-analisa ang flight data, kabilang ang altitude, bilis, at posibleng dahilan ng trahedya.
Matatandaang bumagsak ang naturang eroplano noong Marso 4 habang papunta sa isang “tactical night” operation sa Eastern Mindanao. Dahil dito, agad na pinatigil ng PAF ang operasyon ng lahat ng FA-50 jets nito.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente, ang kauna-unahang pagbagsak mula nang bilhin ang 12 FA-50PH jets mula South Korea noong 2015-2017. | via Allan Ortega | Photo via facebook.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *