Biyahero, dumagsa sa gitna ng mataas na pasahe sa barko

Tumaas man ang pasahe sa barko, hindi napigilan ang pagdagsa ng mga tao sa Port of Manila ngayong panahon ng Semana Santa.

Ayon sa Philippine Ports Authority o PPA, aabot sa halos 2.46 milyong pasahero ang dadaan sa mga pantalan, mas mataas ng 2% kumpara noong 2025.

Ang mga biyahero, pinipili pa ring magbarko dahil mas kumportable umano ito.

Ayon kay Rod Sabig, mas pinili nyang sumakay sa barko papuntang Bacolod, “May mga dala kasi ako, maraming dala, mahirap sa eroplano, hassle ito, tsaka mabigat.”

Para naman kay Dory Monsale, nakasanayan na nyang sumakay ng barko kaya’t marunong na itong dumiskarte at mas maaga na syang nag-book dahil inasahan niya ang taas pasahe.

Inamin ng PPA na posibleng mabago pa ang bilang ng mga dadagsang pasahero, dahil nga sa pagsirit sa presyo ng langis na nagtulak sa mga shipping line na magtaas ng pamasahe at magbawas ng biyahe.

Sa kabila nito, hindi pa rin papipigil ang mga Pilipino na umuwi sa kaani-kanilang probinsya, para sa holiday at tradisyunal na paggunita ng Semana Santa.

Aktibo ring nakaantabay at nagbabantay ang Philippine Coast Guard upang tumulong sa mga biyahero at upang tiyakin ang seguridad dito. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *