Ngayong April 15 na ang deadline sa paghahain ng 2024 Annual Income Tax Return (AITR), ayon sa BIR. Walang palugit, sabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.— matagal na raw silang nananawagan mula pa noong February. Bukas ang mga banko ng April 5 at April 12 (Sabado) at may extended hours hanggang 5 p.m. mula April 1-15 para tumanggap ng tax payments.
Hinihikayat din ang publiko na mag-file online gamit ang Electronic BIR Forms o Electronic Filing and Payment System at kung walang internet may eLounge sa bawat BIR district office at may e-filing center pa sa mismong BIR QC compound (open 8 a.m.–5 p.m.).
Umaasa ang ahensya na makakasingil ng halos P846 bilyon mula sa mga individual taxpayers—na 26% ng kabuuang kita ng gobyerno! Paalala sa lahat na may 25% penalty agad ang late filing hindi pa kasama ang mismong buwis na dapat bayaran, kaya siguraduhing makapag-file na bago ang April 15 deadline. | via Lorencris Siarez | Photo via pna.gov.ph
#D8TVNews #D8TV