Nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang kontratista na sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Kinasuhan ng BIR ang IM Construction Corporation, SYMS Construction Trading at mga opisyal nito tulad ni Sally Santos dahil sa paglabag sa ilang probisyon ng National Internal Revenue Code.
Pawang nakatanggap umano ng bayad ang dalawang kompanya para sa mga flood control project ngunit hindi naman ito naipatupad.
Ayon sa BIR, nameke ng tax declaration ang mga ito para makaiwas sa tamang pagbabayad ng buwis.
Umaabot naman sa P13.81 milyon ang tax lialibities ng dalawang kompanya.
Sa kabuuan, tinatayang aabot na sa P8.87-B tax liabities ang kasalukuyang iniimbestigahan ng BIR. | via Alegria Galimba
