Matinding operasyon ang isinagawa ng Police Regional Office 7 (PRO-7) nitong Martes, Mayo 20, kung saan 15 ilegal na pagawaan ng baril ang binuwag sa Barangay Cahumayan, Danao City!
Pinangunahan mismo ni PRO-7 Director Brig. Gen. Redrico Maranan ang operasyon, alinsunod sa utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na wakasan ang pinagmumulan ng mga loose firearms sa buong bansa.
Nahuli ang 8 katao, sinira ang 10 shanties, at nasamsam ang mga lathe machines, mga natapos at hindi pa tapos na baril, at iba pang gamit sa paggawa ng armas.
Ayon kay Maranan, malaking dagok ito sa mga sindikato, private armed groups, NPA, at mga terorista na umaasa sa mga iligal na pabrika ng armas.
“Hindi lang ito panalo sa rehiyon—ito’y malaking tagumpay laban sa krimen sa buong bansa,” ani Maranan.
Nanawagan rin ang PRO-7 sa publiko na suportahan ang kampanya kontra karahasan at sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon at buong bansa. | via Lorencris Siarez | Photo via PRO7
#D8TVNews #D8TV