Online na ang Precinct Finder ng COMELEC para sa darating na halalan sa May 2025! Ayon sa ahensya nitong Miyerkules, puwede nang i-check ng mga botante ang kanilang presinto at lugar ng botohan sa https://precinctfinder.comelec.gov.ph.
Kailangan lang ilagay ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, at lugar ng rehistro para malaman ang impormasyon. Makikita rin dito kung aktibo o hindi ang iyong voter status.
As of January 23, umabot na sa 69.6 milyon ang rehistradong botante, ayon sa COMELEC.
Unang pagdadala ng balota at mga gamit sa eleksyon, sinimulan na sa BARMM at iba pang liblib na lugar. Markahan na ang kalendaryo, May 12 ang Araw ng Halalan! Para sa overseas voters, simula April 13 hanggang May 12 ang pagboto, habang April 28 hanggang April 30 naman para sa local absentee voters. | via Allan Ortega | Photo via COMELEC FB
#D8TVNews #D8TV
