Bilang ng nasawi sa Binaliw landfill landslide, umakyat na sa 26

Anim na karagdagang bangkay ang narekober sa pinangyarihan ng landslide sa Binaliw Landfill sa Cebu City, kaya umakyat na sa 26 ang kumpirmadong nasawi sa trahedya.

Dahil dito, may 10 indibidwal pa ang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad.

Naging mabagal at maingat ang isinasagawang retrieval operations dahil sa patuloy na pag-ulan na maaaring magdulot ng panibagong pagguho ng tambak ng basura.

Nanawagan naman ng tulong ang mga kaanak ng mga nasawi, kung saan sinabi ng mga ito na labis ang kanilang pangamba sa kinabukasan ng mga naiwang pamilya.

Una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mananagot ang mga responsable sa pagbagsak ng Binaliw landfill sa Cebu City at ibibigay ang lahat ng kinakailangang tulong sa mga naapektuhan. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *