Walang naging pagbabago sa naitalang mga datos sa unemployment at employment rate sa bansa sa pagtatapos ng taong 2025.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 4.4% o 2.26 milyon ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa nitong November at December 2025.
Ngunit mas mataas ito sa 3.1% o 1.63 milyon na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
Gayundin ang naitalang employment rate o bilang ng may trabaho sa bansa noong November at December 2025 na nasa 95.6%.
Mas mababa naman ito kumpara sa naitalang 96.9% noong December 2024.
Isinagawa ang labor force survey sa loob ng 18 araw noong December 8 hanggang 27, 2025.
Nasa 64.4% ang labor force participation rate o may katumbas na 51.69 milyong Pilipino edad 15 pataas.
Nangunguna pa rin sa paglikha ng trabaho ang service sector na sinundan ng agricultural at industrial sector.
