Bilang ng dumaan sa NAIA noong holidays, tumaas

Pumalo sa halos 2.6 million ang bilang ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport ngayong holiday season, mas mataas ng pitong porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa namamahala ritong New NAIA Infra Corporation o NNIC, umabot sa 2,589,889 ang dumaan sa NAIA mula December 20, 2025 hanggang January 4, 2026.

Pinakamataas na bilang ng pasahero sa isang araw ang naitala noong Enero 4, na umabot sa 180,089, isang record sa kasaysayan ng airport.

Tumaas din ang bilang ng flights ng 3.3 percent, na may kabuuang 13,766 domestic at international flights ngayong holidays, mas marami kumpara sa nakaraang taon.

Batay sa ulat ng NNIC, mahigpit ang koordinasyon nila kasama ang mga airline, ahensya ng gobyerno, at iba pang partners para mapanatili ang maayos na daloy ng pasahero at flight schedules.

Sinamahan pa ng mga bagong improvements at dagdag na amenities sa airport para mas mapadali ang biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *