Nabawasan pa ang bilang ng mga barangay na apektado ng African swine fever (ASF), ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI).
Sa datos, mula sa 27 na naitala noong Pebrero 11, umabot na lamang sa 19 ang naiulat na apektado.
Naitala ang mga kaso sa 15 munisipalidad sa Cordillera, Central Visayas, Mimaropa, Eastern Visayas, Soccsksargen, at Caraga.
Ayon kay BAI Director Christian Daquigan, magpapatupad ang pamahalaan ng Swine Recovery Program kung saan mamamahagi ng 32,000 gilts o batang inahing baboy sa mga hog raisers upang mapalakas muli ang produksyon.
Pinaiigting din ng ahensya ang monitoring at assessment ng biosecurity system upang maiwasan ang pagpasok ng sakit sa bansa.
Sa kasalukuyan, isinusulong ng BAI ang 100 percent digitalization ng sistema, kabilang ang online shipping permits at iba pang transaksyon, upang mapabilis at mapahusay ang mga proseso.
“Pinag-aaralan po namin talaga ngayon iyong sa ating biosecurity system kung paano natin maaayos ito para maiwasan po natin ang pagpasok ng sakit dito sa ating bansa” —Daquigan. | via Joana Luna, D8TV News
