Matapos ang higit ₱5 taas-singil sa presyo ng petrolyo ngayong linggo ay makakahinga nang bahagya ang mga motorista dahil sa inaasahang big time rollback sa susunod na linggo.
Sa pagtataya, posibleng bumaba ng ₱1 hanggang ₱1.40 kada litro ng gasolina.
Mababawasan naman ng ₱1.60 hanggang ₱2.10 kada litro ang diesel habang ₱2 hanggang ₱2.20 kada litro naman sa kerosene.
Sa isang panayam, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero na bunsod ito ng pagbaba sa tensyon sa posibleng pagkakaroon ng supply distruption sa langis nang mag-anunsyo ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.
#D8TVNews #D8TV