Big-time rollback sa presyo ng diesel, aasahan sa susunod na linggo

Muling gagalaw ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo kung saan malaki ang inaasahang rollback sa diesel.

Ayon kay Jetti Petroleum president Leo Bellas, bababa ang presyo ng diesel ng P3 hanggang P3.20 kada litro. Inaasahang tataas naman ng P0.10 kada litro ang presyo ng gasolina.

Ang pagbaba ng presyo ng diesel sa global market ay bunsod ng inaasam na ceasefire sa pagitan ng Russia at Ukraine na itinutulak ngayon ng US.

Ngayong linggo, tumaas ang presyo ng diesel ng P0.60 kada litro at ang gasolina ng P0.20 kada litro, habang ang presyo ng kerosene ay nagkakahalaga ng P1.30 kada litro. Ito’y dalawang linggo matapos ang price freeze sa petroleum products bunsod ng deklarasyon ng state of national calamity dahil sa mga pinsalang dulot ng Bagyong Tino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *