Big time oil price hike sa produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Kapit mga motorista!

Aarangkada ang big time oil price hike sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), nasa P2.50 hanggang P3 kada litro ang itataas sa gasolina, P4.30 hanggang P4.80 kada litro naman sa diesel at P4.25 hanggang P4.40 kada litro naman ang itataas sa kerosene.

Ayon sa DOE, ang inaasahang malakihang taas-presyo ng petrolyo sa susunod na linggo ay epekto ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *