Big-time oil price hike, asahan sa susunod na linggo

Asahan na ang big-time oil price hike sa susunod na linggo, kasunod ng lumalalang giyera sa Gitnang Silangan sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran.

Batay sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo, inaasahan ng mga oil industry sources na tumaas ang presyo ng gasolina ng P7.09 kada litro, at diesel ng P15.33 kada litro.

Una nang sinabi ng Department of Energy na maaaring mas tumaas pa ang presyo ng petrolyo dahil sa global developments, tulad ng pagsasara ng Strait of Hormuz.

Kaugnay nito, sinabi ng ahensya na aapela ito sa mga kumpanya na unti-unting ipatupad ang dagdag-singil.

Nakatakda namang magkaloob ng mga subsidiya sa gasolina ang gobyerno para sa mga operator ng pampublikong transportasyon, mga magsasaka, at mga mangingisda, at mag-alok ng libreng sakay sa bus para mabawasan ang epekto ng oil price hike sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *