Bianca Bustamante nakasama sa Forbes 30 Under 30

Isang malaking karangalan ang natanggap ng Filipina motorsport racer na si Bianca Bustamante matapos siyang mapabilang sa prestihiyosong “Forbes 30 Under 30 Europe 2025” sa kategoryang Sports & Games.
Si Bustamante, 20, ay kilala bilang kauna-unahang babaeng driver na sumali sa McLaren Driver Development Programme noong huling bahagi ng 2023.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa pagkilalang ito, na tinawag niyang “unreal” at isang katuparan ng kanyang mga pangarap. Sasabak naman si Bustamante sa GB3 Championship na magsisimula sa April 26-27.

Ang pagkakasama ni Bustamante sa listahan ay patunay ng kanyang dedikasyon at husay sa larangan ng motorsport, at isang inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na nangangarap makilala sa internasyonal na entablado. | via Dann Miranda | Photo via Bianca Bustamante FB page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *