BI: Isang Amerikano at Hapones inaresto at ide-deport

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan sa magkahiwalay na operasyon noong March 5 at 14.

Si Even Ronald Berlin, 31 taong gulang, isang turistang Amerikanong ang nahuli sa kanyang tinitirhan sa Makati City. Siya ay inaakusahang nanakit ng isang lalaki sa isang bar noong March 9 matapos siyang komprontahin ng lalaki sa umanong panghahalay sa asawa ng biktima. Nadiskubre din na overstaying na si Berlin, na pumasok sa bansa noong March 5, 2023 at nag-expire ang VISA nito noong July 2023. May nakabinbin ding warrant of arrest si Berlin sa Makati City Metropolitan Trial Court noong September 2024 sa kasong physical injury at paglabag sa Safe Spaces Act.

Inaresto naman sa Pampanga si Odaira Kai noong March 15, siya’y hinihinalang miyembro ng “Luffy” fraud syndicate. Si Kai at ang kanyang mga kasabwat ay inaakusahan ng pagnanakaw ng ATM card sa pamamagitan ng pagpapanggap na awtoridad, mahigit sa 4 million yen ang nakuha nila sa kanilang mga biktima.

Sina Berlin at Kai ay kasalukuyang nakakulong sa BI Custodial Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang pinoproseso ang pagpapadeport sa kanila. | Photo via BI

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *