Mula ngayon, bawal na ang deportation flights na may layover para sa mga dayuhang kriminal na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Sa ilalim ng BI Board Resolution No. 2025-002, dapat diretso ang lipad ng mga POGO fugitives pauwi sa kanilang bansa, maliban na lang kung walang direktang ruta.
Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, sinasara nito ang butas sa sistema na ginagamit ng mga POGO deportees upang makalusot sa ibang bansa. Sinabi niyang bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang POGOs.
Pinasalamatan din ni Viado sina Senators Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian, na nanguna sa pagtulak ng mas mahigpit na patakaran laban sa mga high-profile criminals.
Nakikipag-ugnayan na ang BI sa DOJ, airlines, at foreign embassies para tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng bagong regulasyon. | via Allan Ortega | Photo via BI
#D8TVNews #D8TV