Bersamin, hindi raw nag-resign

Hindi nag-resign si dating Executive Secretary Lucas Bersamin taliwas sa sinabi ng Palasyo na bunsod ng delicadeza.

Ayon kay Bersamin, may tumawag daw sa kaniya na hindi taga-Malacañang at nagsabing kailangan niyang umalis, kaya’t nagbigay alam siya sa pangulo na nagsasabing walang problema kung aalis siya.

Bandang alas-2 ng hapon nang ianunsyo ng Presidential Communications Office o PCO, ang kaniyang pagbibiitiw sa puwesto ngunit wala pa umano siyang isinusumiteng liham sa oras na yun.

Samantala, pinalitan naman si Bersamin ni Finance Secretary Ralph Recto bilang Executive Secretary. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *