Belmonte, ininspeksyon ang flood control projects sa QC

Pinabilis ng Quezon City government ang kanilang aksyon kaugnay sa flood control projects ng lungsod sa gitna ng imbestigasyon sa mga umano’y maanomalyang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay City Engineer Dale Peral, pinaigting ng lokal na pamahalaan ang pag-iinspekyon sa mahigit 100 flood control projects ng national government habang isinusulong din ang Drainage Master Plan ng lungsod na binuo katuwang ang University of the Philippines Resilience Institute.

Kasama rito ang dalawang flagship detention basins na kasalukuyang itinatayo sa Tandang Sora at Palmera Phase 3 sa Novaliches na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P30 milyon.

Ang Tandang Sora Basin na may sukat na 60m x 60m x 6m ay may kapasidad na mag-imbak ng humigit kumulang na 21,000 cubic meters ng baha habang ang nasa Novaliches ay kayang mag-imbak ng hanggang 30,000 cubic meters na layong maging multipurpose community spaces ang mga basin bukod sa pag-imbak ng baha.

Sa kabuuan, sampung detention basins ang nakapaloob sa proposals ngunit dalawa pa lamang ang naitatayo dahil sa pagtutol ng ilang residente sa ibang mga lugar. | via Andrea Matias, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *