Bayani ng Bondi Beach na si Ahmed Al Ahmed, nakatanggap ng higit $1M

Nais lang sana magpalipas oras ni Ahmed Al Ahmed noon sa Bondi Beach sa Sydney, Australia

Hindi niya inakala ang mga marahas na pangyayaring magtutulak sa kanya para magkapabayani.

Tulad ng maraming Australyano sa Bondi Beach tuwing tag-init, gusto lang sanang magkape ni Ahmed noong December 14 kasama ang kaibigan.

Pero sa isang iglap, dumanak ang dugo nang walang habas na mamaril ang dalawang terorista habang nagdiriwang ang mga Hudyo ng Hanukkah sa isang park malapit sa beach.

Sa isang viral na video, makikitang sinugod ni Ahmed ang isa sa mga gunmen, inagaw ang baril nito at itinutok sa salarin.

Labinlima ang nasawi sa terrorist attack pero marami ang naniniwala na mas marami pa sana ang napatay kung hindi umaksiyon si Ahmed.

Ngayon, itinuturing na isang bayani ang Syrian-Australian businessman.

Ayon kay Prime Minister Anthony Albanese, si Ahmed ay simbolo ng tapang at kabutihan sa gitna ng kasamaan.

Sa loob ng ilang araw, umabot sa 40,000 katao ang nag-donate sa isang fundraising page para sa kanya, na umabot sa 2.3 million Australian dollars o higit 1 million US dollars. | VIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *