Inaasahang magpapatupad ng bawas-presyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Mayo 13, ayon sa datos mula sa Department of Energy (DOE).
Batay sa kalakalan ng langis sa pandaigdigang merkado mula Mayo 6 hanggang 9, posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng ₱1.00 hanggang ₱1.35 kada litro, habang ₱1.30 hanggang ₱1.45 naman ang tinatayang bawas sa kerosene. Ang gasolina naman ay maaaring bumaba ng ₱0.30 hanggang ₱0.75 kada litro.
Ang inaasahang rollback ay bunga ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, matapos ianunsyo ng OPEC+ ang planong dagdag-produksyon sa Hunyo, at dulot rin ng pangambang oversupply. Opisyal na ilalabas ng mga oil companies ang price adjustment sa Lunes, Mayo 12. | via Dann Zand’te Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV