Bawas-presyo sa gasolina sa Marso 4

Matapos ang dalawang linggong sunod-sunod na pagtaas, inaasahang magbababa ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa Marso 4, ayon sa mga eksperto sa industriya.
Ayon sa Unioil, bababa ng 80 sentimos hanggang P1 kada litro ang presyo ng diesel at gasolina. Sabi rin ni Leo Bellas, pangulo ng Jetti Philippines, maaaring bumaba ang presyo ng gasolina ng 90 sentimos hanggang P1.10 kada litro.
Ayon kay Rodela Romero ng Department of Energy, posibleng mas mataas pa ang bawas sa presyo sa susunod na linggo. Maaari umanong bumaba ng P1.20 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel, habang ang kerosene ay bababa ng P1.30 hanggang P1.50 kada litro.
Ang pagbaba ng presyo ay dulot ng paglambot ng tensyon sa Ukraine-Russia ceasefire deal at mahina umanong paglago ng ekonomiya ng US, na nagdulot ng pangamba sa mas mababang demand sa langis.
Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng gasolina ng hanggang 80 sentimos kada litro. – via Allan Ortega | Photo via ar.inspiredpencil.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *