Bawal mangampanya ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo – COMELEC

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng kandidato at tagasuporta na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo (Abril 17) at Biyernes Santo (Abril 18), bilang bahagi ng respeto sa banal na mga araw ng Semana Santa.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, malinaw na nakasaad sa Resolution No. 10999 na ang dalawang araw ay itinuturing na “common no-campaign days.” Ang sinumang lalabag sa patakarang ito ay maaaring maharap sa mga parusa tulad ng diskwalipikasyon sa pagtakbo o pagkakakulong, alinsunod sa Omnibus Election Code at Fair Elections Act.

Nagpaalala rin ang Comelec sa mga kandidato na iwasan ang anumang uri ng pangangampanya, kabilang na ang online promotion, pagpapaskil ng campaign materials, o pamimigay ng campaign items sa nasabing mga araw. Patuloy ang pagbabantay ng Comelec sa anumang paglabag sa buong bansa. | via Dann Miranda | Photo via PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *